PNP, walang magawa sa plano ng Cebu na buksan na ang kanilang lalawigan sa mga turista nang walang resulta ng swab test

Hindi hahadlangan ng Philippine National Police ang plano ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na buksan na ang kanilang lalawigan sa mga turista kahit wala pang swab test.

Ito ay sa kabila na mataas pa ring kaso ng COVID-19 sa lalawigan at may natukoy pang dalawang virus mutation sa Cebu at Lapu-Lapu.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, nakabatay lang ang law enforcement agencies katulad ng PNP sa direktiba ng mga health experts at sumusunod sa omnibus guidelines ng Inter-Agency Task Force o IATF.


Sinabi ni Binag, may kapangyarihan ang mga Local Government Unit na magpatupad nang anumang guidelines na mayroong valid reason at pinagbatayan.

Kaya naniniwala si Binag na ang hakbang na ito ni Gov. Garcia ay alam ng mga health experts at inaprubahan ng IATF.

At sila bilang tagapagpatupad ng batas ay susunod lang sa napakasunduang guidelines ngayong nanatili pa rin ang pandemya sa bansa.

Facebook Comments