PNP walang natatangap na validated death threat para kay Pangulong Duterte

Walang natatanggap ang Philippine National na banta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte

 

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac walang validated death threat ang pangulo

 

Pero bilang pinakamataas na opisyal ng bansa siniguro ng PNP na nabibigyan ang pangulo ng area at perimeter security sa tuwing nagtatalumpati o di kaya bumibisita ito sa maraming tao.


 

Sinabi pa ni Banac na parte sa trabaho ng Pangulo ang magkaroon ng banta sa buhay lalot masigasig ang paglaban nito sa iligal na droga, komunistang terorista at mga kriminal.

 

Trabaho naman daw ng Presidential Security Group na tiyaking ligtas palagi ang pangulo sa pamamagitan ng paglalagay ng bulletproof kung kinakailangan.

Facebook Comments