PNP, walang nomomonitor na seryosong banta sa SONA ni PBBM

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namomonitor na seryosong banta sa kauna unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos” Jr.

Ayon kay PNP Director for Operations MGen. Valeriano de Leon, sa ngayon ay wala pa naman silang natatanggp na impormasyon sa mga tangkang panggugulo.

Pero tiniyak nito na lahat ng posibilidad ay kanilang pinaghahandaan at naglatag na rin sila ng contingency plan.


Una nang sinabi ng opisyal na aabot sa 15,000 na mga tauhan ng PNP, AFP at iba pang force multipliers ang ipakakalat para sa SONA sa Hulyo a-25.

Samantala, sinabi naman ni De Leon na para matiyak ang kaayusan ay magkakaroon sila ng pakikipag-usap sa mga militanteng grupo sa mga susunod na araw para sa security preparations at mga paalala kaugnay nang ikakasa nilang protesta sa SONA ni PBBM.

Facebook Comments