Las Piñas PESO, nagpaabot ng pasasalamat sa suporta ng DZXL Radyo Trabaho Team

32

Nagpaabot ng pasasalamat si Public Employment Service Office (PESO) Manager Red Garcia sa malaking tulong ng DZXL Radyo Trabaho Team sa kanilang isinagawang mga Job Fair sa Las Piñas City.

Ang pahayag ni Garcia ay kaugnay ng Nutrition Month kung saan ay magsasagawa sila ng Mega Job Fair sa darating na July 20 taong kasalakuyan at inaasahang 20 hanggang 30 kumpanya ang lalahok at mahigit isang libong trabaho ang iniaalok ng PESO Las Piñas sa Robinsons Place Las Piñas.

Layon ng Nutrition Month na mabigyan ng trabaho ang mga taga Las Piñas at kapag may trabaho ay walang malnustrisyon sa lungsod.


Matatandaan na taong 2019 nang unang bumisita ang Radyo Trabaho sa PESO Las Piñas at ngayong lang ulit bumisita sa kanilang tanggapan simula ng pandemya.

 

Facebook Comments