Patuloy na magtitiis ang mga pasahero ng Philippine National Railways (PNR) sa siksikan at balyahan.
Ito ay dahil walang inilaang pondo para sa pagbili ng mga bagong tren ng PNR sa 2020 National Budget.
Sa datos ng PNR, aabot sa 200,000 pasahero ang kanilang sineserbisyuhan araw-araw mula tutuban sa Maynila hanggang sa Calamba, Laguna.
Ayon kay PNR General Manager Junn Magno, mayroon lamang silang 21 train sets na nasa 40 hanggang 50 taon na ang tanda.
Aniya, kailangan nila ng karagdagang 30 tren para mapagbuti ang kanilang serbisyo.
Nasa 1.6 Billion pesos lamang ang inilaang pondo para sa PNR, malayo sa hinihiling nilang walong bilyong pisong budget para sa susunod na taon.
Samantala, nasa siyam na bagong tren ang inaasahang darating hanggang Disyembre ngayong taon.