POEA, tuloy na ulit ang pagproseso ng mga dokumento ng mga OFW patungong Ethiopia

Magpoproseso nang muli ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng overseas employment certificate para sa mga manggagawang Pilipino na may existing employment contracts sa Ethiopia.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni POEA Administrator Atty. Bernard Olalia na ito ay dahil ibinaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alerto sa nasabing bansa.

Ani Olalia, mula sa dating Alert Level 4 o may katumbas na total deployment ban, sinabi ni Olalia na ibinaba na ito ngayon sa Alert Level 2.


Ibig sabihin, gumanda na ang sitwasyong pang seguridad sa Ethiopia kaya pwede na ulit magpadala roon ng mga manggagawang Pinoy.

Base sa impormasyon mula sa DFA, walong rehiyon o lugar sa Ethiopia ang tinanggal na sa Alert Level 4.

Facebook Comments