6 patay, 2 sugatan makaraang mahulog ang isang sasakyan sa bangin sa Besao, Mt. Province

181

Nasawi ang 6 na indibiwal habang sugatan naman ang 2 iba matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyan sa Catengan, Besao, Mountain Province.

Ayon kay PCapt. Marnie Abellanida, Spokesperson ng Cordillera Police, naganap ang aksidente kahapon.

Mga kabataan umano ang mga biktima na ang edad ay 17 hanggang 21 anyos na galing pa ng Ilocos Sur.


Aniya sakay ang mga pasahero ng Tamaraw FX na nahulog sa bangin na tinatayang 100-metro ang lalim.

Sinasabing posibleng malakas na ulan ang dahilan kaya naganap ang aksidente.

Nakuha na ang lahat ng mga biktima sa nahulog na sasakyan at agad na idineklarang patay ang 6 ng mga rumesponde habang dinala sa ospital ang dalawang nakaligtas.



Facebook Comments