POGO hub sa Angeles City sa Pampanga, sinalakay; mahigit 100 dayuhan, nahuli

Sinalakay ng mga operatiba ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), PNP-Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) at PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG) kasama ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Angeles City, Pampanga kagabi.

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, kasama sa mga nahuli ang 157 foreign nationals at 29 Pilipino.

Sa foreign nationals, 126 ang Chinese, 23 Vietnamese, apat na Malaysian, apat na Burmese at isang Korean.


Maliban sa mga nahuli, may nasagip din na isang kidnap victim na Chinese.

Nag-ugat aniya ang operasyon matapos mapag alaman na ang POGO hub na Lucky South 99 na matatagpuan sa Grand Palazzo Royale, Friendship ay sangkot sa human trafficking.

Mayroon din umanong torture area ang lugar para naman sa mga lalaking dayuhan.

Sa ngayon, sumasalang ang mga nahuli sa immigration biometrics.

Facebook Comments