POGO operators, binalaan ni PNP Chief General Debold Sinas dahil sa serye ng kidnapping

Nagbabala si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas sa mga operators ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) dahil sa hindi pakikipagtulungan sa PNP sa pagresolba ng kaso ng mga kidnapping na kinasasangkutan ng mga POGO workers.

Ayon kay Sinas, dapat hindi nagtatago ng impormasyon sa PNP ang mga POGO operators lalo na at kung ito ay may kinalaman sa security concerns.

Ginawa ni Sinas ang babala matapos ma-rescue ng PNP Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dinukot na Vietnamese-Chinese POGO worker at naaresto ang tatlong suspek sa Angeles City, Pampanga.


Sa report na nakarating kay Sinas, isang POGO employee na nagngangalang Vong Cam Lan, ang nasagip sa isang subdivision sa Brgy. Pampang, Angeles City kung saan siya itinago ng mga suspek.

Ang mga suspek ay mga oriental looking men na ayaw magbigay nang kanilang mga pangalan sa mga pulis.

Sa pagtatanong pa ng mga pulis sa mga suspek, kinuha raw ng kompanya ang kanilang mga passport.

Sa ngayon nanatili sa kustodiya ng PNP-AKG sa Camp Crame ang mga naarestong suspek.

Facebook Comments