“Salot, hindi sulit.”
Ito ang pahayag ni Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., patungkol sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs.
Sinabi ito ni Abante, makaraang ibinunyag ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na ang Pilipinas ay blacklisted ng People’s Republic of China dahil sa pananatili ng POGO sa ating bansa.
Ayon kay Zubiri, ipinaalam ito sa kanila mismo ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Diin ni Abante, pinapalakas nito ang panawagan na ipagbawal na ang operasyon ng POGO sa ating bansa kung saan wala na tayong pakinabang ay nakakaapekto pa sa ating turismo.
Tinukoy ni Abante ang datos mula sa Department of Tourism (DOT) na noong 2019, ay umabot sa 8.26 million dayuhang turista ang bumisita sa bansa kung saan 21.1% o katumbas na 1.74 million ay mula sa China.