Makikipag-ugnayan na ang Pambansang Pulisya sa mga lokal na pamahalaan kaugnay sa pagtatatag ng police assistance desk sa mga sementeryo.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar na inaasahan kasi nilang dadagsa na ang publiko sa mga sementeryo at kolumbaryo sa mga susunod na araw dahil isasara ito simula Oct. 29, hanggang Nov. 2, 2021.
Ayon kay Gen. Eleazar, ipatutupad ang kaparehong guidelines nuong isang taon dahil sa umiiral na pandemya.
Aniya, ang mga pulis sa sementeryo ang siyang titiyak na nasusunod ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.
Layon nang pagsasara ng mga sementeryo, kolumbaryo at iba pa na mapigilan ang pagtitipon-tipon na nakagawian nang mga Filipino tuwing Undas nang sa ganon ay maiwasan ang pagkakaroon ng super spreader event.