POLICE CONVOY, INAMBUSH sa Camarines Norte: 1 Patay, Iba Pa Sugatan

Isa ang kumpirmadong patay habang lima pa ang sugatan dahil sa tama ng bala sa isang pananambang na naganap kaninang madaliang araw – bandang ala una sa Sitio Binuang, Barangay Daguit, bayan ng Labo sa Camarines Norte. Karagdagang tatlo pa ang nasaktan sanhi ng aksidente bunsod na rin ng pananambang. Ang mga biktima ay pawang mga kawani ng kapulisan sa nasabing bayan.
Ayon sa report, patay si PO2 Richard M Abad habang sugatan naman ang mga kasama nitong sina PO2 Ronald Gutierrez; PO2 Ericson De Vera; PO1 Jeffrey Tarrobago; PO1 Pedro Valeros; PO1 Romar Umandap; at PO1 Johnson Espaṅa. Lahat sila ay pawing nakatalaga sa CNPMFC, CNPPO.
Hindi pa tiyak kung anong grupo o sinu-sino ang pagkakakilanlan ng mga suspects. May ugung-ugong naman na ito ay kagagawan ng mga NPA na kamakilan lamang ay itinuring na terorista ng pamahalaang Duterte.
Kaagad namang nagsagawa ng rescue operation ang mga myembro ng CamNorte Police Provincial Office at dinala sa CamNorte Provncial Hospital.
Samantala, isang grupo naman ng mga kapulisan sa pangunguna ni PSUPT Elmer Mora, Force Commander ng CNPMFC kasama ang Philippine Army personnel sa pangunguna ni CAPT Casilla ay daglian ding nagsagawa ng pursuit operation para madakip ang mga may kagagawan ng krimen.
Kasama mo sa balita at serbisyo publiko, RadyoMaN Manny Basa, Tatak RMN!
photocredits: insidemilitaryforum





Facebook Comments