Police Officer 3, Nasa Pagamutan Matapos Bumangga ang Minamanehong Motorsiklo sa Kasalubong na Izusu Elf sa Cauayan City Isabela!

Cauayan City, Isabela – Nagpapagamot na sa ngayon ang isang pulis dahil sa tinamong malalang sugat sa ulo matapos na bumangga kagabi ang motorsiklo nito sa kasalubong na Izusu Elf dahil sa pag-over take sa kasunod na sasakyan sa National Highway ng San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Inspector Zosimo Sambrano, Chief Investigator ng PNP Cauayan City, sinabi niya na ang biktima ay si PO3 Aries Catuiran Baoit, tatlumpu’t apat na taong gulang, may asawa, kasalukuyang sumasailalim sa Junior Leadership Course sa Regional Training Center 2 sa Minante 1 Cauayan City at residente ng Capissayan, Gattaran, Cagayan.

Samantalang ang drayber ng Nissan Frontier Navarra ay si Amil Bareng Antonio, bente dos anyos, walang asawa at residente ng Purok 6 Sillawit, Cauayan City.


Sinabi pa ni PI Sambrano na sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cauayan City ay sakay umano ng motorsiklo ang biktima na papuntang Alicia Isabela habang ang Nissan Frontier Navarra na minamaneho ng suspek ay patungo sa kasalungat na direksyon.

Aniya, sa aktong nag-overtake ang biktima sa sinusundang sasakyan ay aksidente umanong nasagi nito ang Pick- up ng suspek at bumangga ang motor ni Baoit sa kasalubong na Isuzu Elf.

Sa Lakas ng impak ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima kung saan ay nagtamo ng matinding sugat sa ulo dahil sa hindi ito nakasuot ng helmet na nirespondehan naman agad ng Rescue 922.

Iginiit pa ni Police Inspector Sambrano na hinihintay pa ang resulta ng medical ng biktima kung positibong nasa impluwensya ng alak dahil sa umano’y mabilis na pagpapatakbo nito ng kaniyang motorsiklo na ayon naman sa mga nakasaksi ng insidente.

Samantala, ang motor at pick-up ay nasa himpilan na ng PNP Cauayan City at inihahanda na ang dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon sa naturang pangyayari.

Facebook Comments