Isa na rito ang di umano’y pagkuha at pagkawala ng bata sa bayan ng Rizal, Cagayan na nagdulot ng alarma sa mga mamamayan.
Agad naman itong pinabulaanan ng PNP Rizal na walang katotohanan ang kumalat na video sa social media tungkol sa batang nakatakas at sa tangkang pagdukot umano sa kanya.
Ikinabahala ito ng maraming magulang lalo na at nagsimula na ang face to face classes sa iba’t-ibang paaralan sa bansa.
Kaugnay nito, patuloy ang pagtalaga ng kapulisan sa mga eskwelahan para masiguro ang seguridad ng taong bayan at kapayapaan sa lugar.
Nagpapaalala rin ang PRO2 na mag-ingat sa mga pinopost at ibinabahaging video at balita sa social media para hindi magdulot ng pangamba at takot sa publiko.
Gayunpaman, pinapaalalahanan pa rin ang lahat na mag-ingat para masiguro ang kaligtasan mula sa mga masasamang loob.