Police station sa Maguindanao, sinalakay ng mga armadong MILF

Maguindanao, Philippines – Sinalakay ng mga armadong kasapi ng Moro Islamic Liberation Front ang Parang Municipal Police Station sa bayan ng Parang, Maguindanao kahapon.

Pasado alas 9 ng umaga kahapon ng lumusob ang mga armadong MILF na sakay ng motorsiklo at mga sasakyan at pinaputukan ang nasabing istasyon ng pulis gamit ang mataas na kalibre ng baril.

Nagdulot naman ito ng takot at pagkabulabog sa mga residente ng lugar.


Agad namang napasugod sa lugar si Maguindanao Police Provincial Director. Sr. Supt Agustin Tello kabilang ang tropa ng 37th Infantry Battalion para alamin at tingnan ang sitwasyon.

Bago ang paglusob ng mga armado kahapon ay isa umanong kumander ng MILF na kinilalang si kumander Sulaiman Dimatunday ang nahulihan ng baril sa isang check point sa boundary ng Barangay Dumagadong, Kalawag sa bayan ng Parang at siya ay nakuhanan ng isang kalibre 45 pistola.

Umatras lamang ang mga armado nang kausapin ng pinuno ng 37th IB ang kumander ng MILF.
DZXL558

Facebook Comments