Bala ng 40mm, natagpuan sa pina-aagawang lupa sa Gensan

Gensan, Philippines – Natagpuan ng isang minor de edad ang isang bala ng 40 millimeter mortar sa pinag-aagawang lupa sa lunsod ng Gensan.

Alas 6:00 pasado ng gabi noong Linggo nang nakatanggap ng report ang police station 2 mula sa mga residente ng Espina Farm, sa Barangay Labangal, lugar na pinag-aagawan ng maraming claimants na mayroon daw explosive na natagpuan sa nasabing lugar.

Agad na rumisponde ang tropa ng pulisya sa nasabing lugar at napag-alaman na bala ng 40mm ang natagpuan.


Sinabi ni police chief inspector Jing Salarda, hepe ng police station 2 na posibleng ang nasabing bala ay nahulog nang nangyari ang sagupaan ng mga guwardya ng dalawang claimants ng ekta-ektaryang lupa sa nasabing barangay.
DZXL558

Facebook Comments