Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang police visibility kapag naipatupad na ang Alert Level 1 sa Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa.
Ito ang siniguro ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos matapos pumabor ang mga alkalde ng Metro Manila na ibaba ang COVID-19 Alert Level status pagsapit ng Marso.
Ayon kay PNP chief, patuloy nilang ipatutupad ang minimum public health standard bilang bahagi ng new normal setup.
Sa ilalim ng Alert Level 1, wala nang age restriction sa pagpunta sa pampublikong lugar lalo na sa interzonal travels pero sasailalim pa rin ito sa panuntunan ng Local Government Units (LGUs).
Sa ilalim ng National Inter-Agency Task Force against (IATF) COVID-19, maaari na ring mag-fully operate ang lahat ng establisyemento at tanggapan ng gobyerno.
Pinapayagan na rin ang religious gathering at iba pang outdoor activities.