DOH, nakapagtala ng higit 1,000 panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 1,534 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Bahagya itong tumaas kumpara sa 1,019 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3, 655, 709 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 55,449 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 2,729 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3, 544,283 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 55,977 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 201 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 21 habang may dalawang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments