Policewoman na si Nobleza, mabubulok sa kulungan ayon kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magkakaroon ng pagkakataon na makalaya si police Superintendent Maria Cristina Nobleza matapos mabuko ang pakikipagsabwatan nito sa teroristang grupong Abu-Sayyaf.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya makapapayag na mapakawalan si Nobleza sa kulungan dahil ang kasalanan nito ay tinatawag aniyang continuing crime at isang komplikadong kaso.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya maidetalye ang bigat ng kasalanan ni Nobleza kaya bahala na aniya si Philippine National Police Chief Director General Ronald Bato dela Rosa sa issue.


Tiniyak din naman ni Pangulong Duterte na anoman ang magiging desisyon ni Bato sa issue ay isasapubliko din naman ito.

Facebook Comments