Polisiyang magpapawalang-saysay sa visa ng mga foreign student sa US, kinuwestiyon ng ilang estado

Naghain ng Lawsuit ang aabot sa labing-pitong estado ng United States kasama ang Washington D.C., na layong ibasura ang ipinatupad na polisiya ng administrasyon ni President Donald Trump na nagpapawalang-saysay sa visa ng mga foreign students sa bansa.

Ayon kay Maura Healey, Massachusetts Attorney General, maraming foreign students sa US ang maaapektuhan ng nasabing polisiya kung saan posible pang mapauwi ang mga ito na makakaapekto sa kanilang pag-aaral.

Hindi rin aniya naipaliwanag ng maayos ang nilalaman ng polisiya na pwedeng magresulta ng paglabag sa Administrative Procedure Act.


Una nang naghain ng mosyon ang Harvard University at ang Massachusetts Institute of Technology nakaraang linggo para pagbasura ng nasabing polisiya.

Facebook Comments