UAAP Season 82, opisyal nang tatapusin sa July 25!

37

Opisyal nang tatapusin ang Season 82 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa July 25, 2020 sa pamamagitan ng virtual ceremony.

Ayon kay Season 82 Host President EM Fernandez ng Ateneo De Manila University, naka-taped na ang seremonya kung saan naglalaman ito ng paggawad ng award sa overall champion na University of Santo Tomas (UST) at hand-over hosting duty sa De La Salle University.


Kinilalang overall champion ang UST matapos itong magwagi sa limang championship sa Seniors Division.

Tatagal ang virtual ceremony sa loob ng isang oras kung saan partikular na kikilalanin ang mga atletang hindi nakapaglaro dahil sa COVID-19 pandemic.

Unang sinuspinde ang mga laro ng UAAP nitong April 7, 2020 na nagresulta ng hindi natapos na laban ng Men’s and Women’s Volleyball at Men’s Football.

Facebook Comments