Political analyst na si Prof. Ramon Casiple, naniniwala na hindi pa epektibo ang martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Naniniwala ang political analyst na si Prof. Ramon Casiple na hindi pa epektibo ang martial law sa Mindanao kahit idineklara na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa interview ng RMN kay Casiple – ipinaliwanag nito na kailangan munang lumagda ng pormal na dokumento o proklamasyon ang pangulo bago ito umiral.

Aniya, kailangan ding humarap ng pangulo sa kongreso sa loob ng 48-oras para ipaliwanag ang idineklarang batas militar.


Batay sa konstitusyon, pwede lamang ideklara ang martial law kapag may nangyayaring invasion (pananakop) o rebelyon.

DZXL558

Facebook Comments