Inanunsyo ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang pagpapalabas ng 229 million pesos na pondo ng pamahalaan para sa fishery projects ng Navotas fishport
Ito ay bahagi ng proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte para palakasin ang industriya ng pangisdaan sa bansa alinsunod sa food security program ng gobyerno.
Sa kanyang pagdalo sa ika 42 taong anibersaryo ng Phil Fishery Development Authority, Sinabi ni Go na asahan nang magkaroon ng modernong equipment ang navotas fishport para sa pangmatagalang pagiimbak ng huling isda .
Sinabi pa ni Go na bukod pa ito sa iba pang ayuda na manggagaling naman sa Department of Agriculture na nakalaan para sa mga mangingisda sa buong bansa.
Kaugnay nito,hinimok nito ang mga taga navotas na pangalagaan ang kapaligiran ng fish port.