Manila, Philippines – Gustong ipa-audit ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo ng Bureau of Immigration (B-I).
Kasunod ito ng pagre-resign ng mahigit 30 at mass leave ng mga tauhan ng B-I, dahil sa panggigipit ng DBM sa kanilang overtime pay.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ipasasalang niya sa personal audit ng Civil Service Commission at Commission on Audit ang mga nakolekta ng Immigration sa nakaraang anim na taon para malaman kung saan ito napunta.
Matatandaang nitong 2016 kasi ay umabot sa P784 million ang nagamit ng Immigration sa overtime pay pa lang ng mga tauhan nito.
Nabatid din na halos limang beses ng kanilang regular na sweldo, ang tinatanggap na overtime pay ng mga empleyado ng Immigration.
Taliwas ito sa panuntunan ng gobyerno na hindi dapat lumagpas sa 50% ng sweldo ang overtime pay ng isang empleyado.