Suspek sa pagpapasabog sa St. Petersburg Metro Station, tukoy na ng Russian authorities

37

Russia – Tukoy na ng Russian authority ang suspek sa pagpapasabog sa Metro Station ng Port City ng St. Petersburg na ikinasawi ng 11 katao habang halos 50 ang sugatan.

Mayroon lamang conflicting reports kung suicide bomber ang suspek na tinatayang nasa kanyang early 20s ang edad at nagmula umano sa central Asia.

Kaugnay nito ay nagdeklara ang mga otoridad sa saint Petersburg ng tatlong araw na pagluluksa para sa mga biktima ng pagsabog.

Binisita na rin ni Russian President Vladimir putin ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog at nag-alay ito ng mga bulaklak sa makeshift shrine.

Facebook Comments