Pondo ng motor vehicle users’ charge, pinagagamit bilang dagdag na subsidiya sa PUV Modernization Program

Iminungkahi ni Senator Grace Poe na gamitin ang pondo ng Motor Vehicle Users’ Charge (MVUC) bilang dagdag na subisidiya sa mga drivers at operators sa ilalim ng PUV Modernization Program.

Ginawa ng senadora ang suhestyon sa gitna ng pagdinig ng Senado patungkol sa jeepney phaseout bunsod ng pagpapatupad ng PUV Modernization Program.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe na nagiging ‘redundant’ lang naman ang tungkulin ng MVUC sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Hinimok ni Poe ang mga kasamahang mambabatas na pag-aralang amyendahan ang MVUC Law upang mapakinabangan ng mga maapektuhan ng modernisasyon sa hanay ng mga PUVs.

Maaari aniyang gamitin ang pondo ng MVUC bilang dagdag na equity subsidy sa pagbili ng mga bagong units ng mga kooperatiba ng mga tsuper at operators.

Facebook Comments