Maaaring hindi sapat ang pondo ng pamahalaan para sa back wages ng libu-libong government nurses.
Ito ang pahayag ng Malacañang matapos baligtarin ang budget circular na nakakaapekto sa pay status ng health workers.
Sabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang budget allocation para sa salary adjustment ng mga nurse ay isusulong sa ilalim ng proposed national budget para sa susunod na taon.
Humingi si Roque ng patnubay mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea sa kung paano popondohan ng gobyerno ang salary adjustment ng government nurses.
Para sa prospective salary increase ng nurses, tiwala ang Palasyo na mapopondohan ito mula sa budget ng Department of Health (DOH).
Facebook Comments