Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang 21.8 million pesos na pondo para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)-Ministry of social services, na layong ipagkaloob sa mga residente nitong centenarian o ‘yung mga umabot ng isang daan ang edad o higit pa.
Mabibigyan ng tig-iisang daang libong piso (PHP100,000) ang nasa 218 centenarian ng BARMM, kalakip ang liham ng pagbati mula kay Pangulong Rodrigo Duterte at plaque of recognition.
Posthumous plaque of recognition naman ang ipagkakaloob para sa mga centenarian na yumao na, at ibibigay ito sa pinakamalapit na kamaganak nito.
Sa ilalim ng Republic Act no. 10868 o Centenarians Act of 2016, binibigyang pagkilala ng pamahalaan ang mga pilipinong umabot ng 100 taon, nakatira man sila sa Pilipinas o abroad.