Tiniyak ni Senator Sonny Angara, na mapopondohan sa ilalim ng 2019 national budget ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ayon kay Angara, P30-Billion ang inilaan ng gobyerno para sa BARMM na gagamitin bilang inisyal na operational fund nito ngayong taon.
Binanggit din ni Angara ang nakapaloob sa Bangsamoro Organic Law na ang 75 porsyento ng makokolektang buwis at iba pang bayarin ng gobyerno sa rehiyon ay direktang mapupunta sa Pamahalaang Bangsamoro kung saan ang natitirang 25 porsyento lamang ang mapupunta sa National Government.
Sabi ni Angara, bibigyan din ng 5 percent annual block grant ng pamahalaan ang BARMM government na ipapaloob sa mga susunod na maaaprubahang National Budget.
Umaasa si Angara na sa pamamagitan ng inilaang pondo ng gobyerno sa pamahalaan ng BARMM, ay magagawa nitong iangat ang pamumuhay ng mga taga-Mindanao.