Pondo para sa body camera, hinihingi na ng PNP sa Kamara

Manila, Philippines – Humiling na ang Philippine National Police ng pondo para sa body camera ng mga pulis bilang bahagi ng kanilang gamit sa anti-crime operation.

Sa pre-plenary debate ng PNP budget, aabot sa 1.88 Billion pesos ang dagdag na budget para sa PNP para ibili ng body cam.

Ang paglalagay ng body camera sa mga pulis ang magsisilbing neutral witness sakaling magkaaberya tulad sa operasyon sa napatay na Grade 11.


Mai-rerecord at maidodokumento ang lahat ng operasyon ng mga pulis kung may body camera.

Bukod dito, magsisilbi na rin itong proteksyon sa mga pulis sakali mang maakusahan ng pang-aabuso o kung talagang nangabuso ang mga ito.

Sa Kamara ay tinatrabaho pa lang ang panukalang inihain para sa pagpapatibay ng batas sa pagpapagamit ng body cam sa mga pulis.

Facebook Comments