Manila, Philippines – Pinaaalis ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao sa 2018 budget ang pondo para sa CAFGU o Citizen Armed Force Geographical Unit.
Ihihirit ng kongresista pagdating sa plenaryo ang pagtanggal ng budget dahil masyadong nalalakihan ang mambabatas para sa 3.4 Billion na alokasyon para dito.
Hindi umano katanggap-tanggap na sinusuplayan ng buwis ng publiko ng armas ang Cafgu na kilala sa mga pag-abuso sa kanayunan at dahilan pa ng displacement ng marami kagaya ng mga Lumad.
Sa ulat sa ng AFP sa Kamara, nasa 54,000 ang pwersa ngayon ang CAFGU sa buong bansa.
May apat na libo pang sumasailalim sa pagsasanay bago isama sa pwersa ng CAFGU habang may pinoproseso pang pitong libo.
Pero, sa kabila ng malaking pondo sa CAFGU, hindi na nagrerecruit ang AFP ng dagdag pwersa nito.