Pondo para sa Marawi Rehabilitation Plan, tiniyak ng Senado

Marawi City – Tiniyak ni Committee on Finance chairperson Senator Loren Legarda ang paglalaan ng pondo para sa Marawi Rehabilitation Plan.

Layunin aniya nito na maibalik ang katatagan ng Marawi sa larangan ng politika, social at ekonomiya sa oras na matapos na gulo dito hatid ng Maute Terror Group.

Maliban sa pondong magmumula sa national government, sinabi ni Legarda na maaring ding kumuha ng salapi para sa pagbangon ng marawi mula sa Official Development Assistance at pribadong sektor.


Binanggit din ni Legarda na maaring panggalingan ng pondo para sa pagkakaloob ng kabuhayan sa mga residente ng Marawi ang Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development at Technical Education and Skills Development Authority.

Ayon kay Legarda, maaring magtulungan ang nabanggit na mga ahensya sa pagtatayo ng micro, small and medium enterprises para sa mga mamamayan ng Marawi.

Tinukoy din ni Legarda ang National Commission for Culture and the Arts at Department of Tourism na dapat maglaan ng pondo para sa promosyon ng cultural tourism sa Marawi.

Facebook Comments