Pondo para sa mga Apektadong Magsasaka ng ASF sa Region 2, Pinamamadaling Ipamahagi ng DA

Cauayan City,Isabela- Pinamamadali ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 ang pamamahagi ng indemnification pay sa mga magsasaka na apektado ng African Swine Fever (ASF) sa Cagayan Valley region.

Ito ay sa oras na maibaba na ang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay DA Regional Executive Director Narciso Edillo, inaasahan ng mailalabas ng DBM ang nasa kabuuang P167.8 milyon na pondo mula sa President’s Contingent Fund ngayong buwan ng Oktubre.


Nilinaw din nito na ang probinsya ng Isabela ang mayroong pinakamalaking pondo dahil sa 47,574 culled hogs o 71% nito na katumbas ng 33,897.

Sa Cagayan, may kabuuan namang 8,125 o 17% habang sa Nueva Vizcaya ay mayroong 2,614 o 5% at sa lalawigan naman ng Quirino na umabot sa 2,878 o 6%.

Mula sa kabuuang pondong nabanggit, P6.6 milyon ang mula sa DA Quick Response Fund.

Samantala, umabot na sa kabuuang P69.8 milyon ang nai-charge mula sa Quick Response Fund (QRF) ng DA at Contingent Fund of the Office of the President.

Sinabi pa ni Edillo na naipamahagi na ito sa mga apektado magsasaka na kabilang sa masterlist mula sa apat na probinsya.

Facebook Comments