Inanunsyo ng Department of Finance na madagdagan nito ang pondong mailalaan sa mga proyektong imprastraktura at human capital development.
Ayon kay Finance Usec. Karl Chua, nalagpasan kasi ng gobyerno ang target na malilikom na pondo mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon kasunod ng pagpapatupad ng TRAIN law.
Sabi ni Chua, nakalikom ang Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs ng 91.3 billion pesos sa unang tatlong quarters ng taon, mas mataas ng 18.2% sa inaasahan nilang makukuha na 77.3 billion pesos.
Pangunahing nagpataas sa kita ng gobyerno ang mga buwis galing sa mga inangkat na produktong petrolyo, tax mula sa mga matatamis na inumin at sa sigarilyo.
Mababa naman ang nalikom na buwis ng gobyerno mula sa mga sasakyan dahil aniya sa paghina ng importasyon ng mga sasakyan.