Pondo para sa State Universities and Colleges free tuition, tinanggal sa 2018 national budget

Manila, Philippines – Binatikos ng ACT Teachers Party-List ang pagtanggal ng Department of Budget and Management (DBM) ng pondo para sa libreng matrikula sa mga State University and Colleges (SUCS) sa 2018 proposed budget.

Paliwanag ni DBM Sec. Benjamin Diokno – sa halip na pondo para sa libreng matrikula alokasyong p691-billion ang inilaan para sa Ched, Deped at SUCS.

Gagamitin ito sa pagpapatayo ng mga bagong classroom, repair ng mga luma, scholarship at pagkuha ng dagdag na mahigit 81,000 na mga guro.


Sa kabuuan, nasa P3.767 Trillion ang proposed budget para sa 2018 mas mataas ng 12 percent kumpara sa P3.35 Trillion ngayong taon.

Facebook Comments