Pondo sa IRM ng PhilHealth, sobra-sobra ayon sa ginawang pagsusuri ng isang Kongresista

Iginiit ng isang Kongresista na sobra-sobra ang pondong inilaan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) sa mga Healthcare Institutions (HCIs).

Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, masyadong malaki ang ₱26.8 billion na alokasyon ng PhilHealth para sa IRM kung ikukumpara sa aktwal na halaga ng COVID-19 hospitalization.

Base sa kanyang pagkukuwenta, nasa ₱3.3 billion lamang ang estimated cost sa hospitalization ng tinatayang 209,000 COVID-19 cases ng PhilHealth ngayong 2020.


Kung pagbabatayan ang record ng Department of Health (DOH), 90.3% ng COVID-19 patients ay mild cases, 0.9% ang severe cases at 0.6% naman ang critical cases.

Aabot lamang aniya dapat sa ₱3.3 billion ang halaga ng hospital admission para sa mild, severe at critical cases ng COVID-19.

Facebook Comments