Manila, Philippines – Hindi pa ngayon masabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar kung magkano ang kakailanganing pondo para sa muling pagtatayo ng Marawi City na hanggang sa ngayon ay apektado ng bakbakan sa pagitan ng Militar at ng teroristang grupong Maute.
Ayon kay Villars a briefing sa Malacanang, hindi pa makapasok ang DPWH sa lungsod para magsagawa ng assessment dahil nagpapatuloy pa nga ang bakbakan.
Pero sa oras aniyang makapasok ang DPWH ay malalaman na nila kung gaano ba kalawak ang pinsala ng bakbakan sa imprastraktura sa lungsod.
Hindi aniya niya masabi kung sapat ang 20 bilyong piso na inilaan ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang hindi pa natatapos ang kanilang gagawing pagsusuri.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na kung kukulangin pa ang 20 bilyong pisong pondo sa rehabilitasyon ng Marawi City ay madaragdagan naman ito.
Pondong kakailanganain para sa pagtatayo ng mga nasirang imprastraktura sa Marawi City, hindi pa masabi ng DPWH
Facebook Comments