Mahigit dalawang daan katao, arestado sa One Time Big Time Operation sa Taguig

226

Manila, Philippines – 241 na mga indibidwal ang naaresto ng Taguig City Police sa inilunsad na One Time Big Time Operation sa magkakahiwalay na lugar sa Taguig City.

Ang pagkakadakip sa mga indibidwal ay alinsunod sa pinaiiral na ordinansa sa lungsod.

Siyamnaput apat sa kanila ay nahuling umiinom sa mga pampublikong lugar, dalawampu ang walang damit pantaas at walumpung mga menor de edad ang nahuli sa curfew.


Dalawamput siyam ang nahuling lumabag sa batas trapiko, anim sa bagansya , anim sa paglabag sa Dangerous Drugs Act at pito ang nahuling sa iligal na pagsusugal.

Facebook Comments