Manila, Philippines – Naniniwala si Senadora Nancy Binay na dapat gamitin na lamang sa pagbili ng gamot sa mga bata at ayuda sa mga biktima ng pagbaha at sunog ang ₱90 million na pondong nakalaan para sa information campaign ng gobyerno sa federalism.
Ito ang iminungkahi ni Binay matapos ang kontrobersyal na ‘i-pederalismo’ dance video na inilabas ni Presidential Communications Secretary Mocha Uson at social media personality na si Drew Olivar.
Ayon kay Binay, mas magagamit pa ang pondo sa tamang pamamaraan lalo na sa healthcare ng ating mga kababayan.
Una nang sinabi ng senadora na ang federalism ay hindi ‘amusement piece’ o ’comedy material’.
Facebook Comments