Popcorn na ginawang pop art, ibinida ng isang artist sa Texas

Texas – Hindi naging imposible para sa isang creative artist sa Texas ang makagawa ng isang kakaibang anyo ng sining matapos niyang gamitin ang maliliit na butil ng popcorn para sa kanyang pop art gallery.

Gamit ang mga nilutong popcorn, mabusisi itong kinulayan ni Harry Kalenberg gamit ang mga colored pen hanggang makabuo ng mga imahe gaya nina Elvis Presley at Donald Trump at maging ng ilang mga cartoon character.

Ayon kay Kalenberg, 28 years na ang nakalilipas nang makahiligan niya ang popcorn art.


Sa kasalukuyan, nakadisplay ang ilan sa kanyang mga gawa sa Ripley’s Believe It Or Not Museums sa iba’t ibang panig ng mundo at naibebenta pa rin sa halagang 300-dolyar o halos 15-libong piso kada piraso!

DZXL558

Facebook Comments