Dinalaw ng mga Pilipinong obispo si Pope Francis sa Vatican City bilang parte ng kanilang official visit sa lugar.
Sa inilabas na litrato ng Vatican News, kasama sa ginanap na pagtitipon si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Apostolic Palace.
#PopeFrancis meets Monday with a group of bishops from the #Philippines, most of whom hail from the northern #Luzon island. pic.twitter.com/BIAd2satq3
— Vatican News (@VaticanNews) May 20, 2019
Kailangan dumalo ng “ad limina apostolorum” (to the threshold of the apostles) ang lahat ng obispo sa buong mundo upang magbigay ulat sa Santo Papa tungkol sa kasalukuyang stado ng kanilang kinasasakupan na simbahan. Ginaganap ang Ad limina tuwing ikalimang taon.
Ekslusibong nakilala ng mga obispo mula sa Hilagang Luzon si Pope Francis kahapon. Ito rin ang unang pagkakataong nakilala ng Santo Papa ang mga pari.
LOOK: Pope Francis meets with Filipino bishops from Northern Luzon dioceses and archdioceses who are in Rome for their “ad Limina Apostolorum” visit May 20. (Vatican Media) #cbcpnews pic.twitter.com/JD3yI4GvmE
— CBCPNews (@cbcpnews) May 20, 2019