Yasmien Kurdi, nagpursige na makapagtapos sa kolehiyo para magsilbing ehemplo sa anak na si Ayesha

Ibinahagi ng aktres at Starstruck Season 1 first princess na si Yasmien Kurdi na kailangan niyang makapagtapos sa kolehiyo sa edad na 30 para maging ehemplo sa anak niya na si Ayesha.

Ayon kay Yasmien, kailangan niya magtrabaho noon para sa kaniyang mga pangangailangan, kaya naudlot ang pangarap niya na makapagmartsa sa kolehiyo.

Say pa ni Yasmien, ipinakita niya sa kaniyang anak na hindi siya sumuko kahit anumang pagsubok ang pagdaanan niya lalo na yung pinagsabay niya ang kaniyang pag-aaral at pagsho-showbiz.


Dagdag pa ng aktres, hindi naging hadlang ang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang para maabot ang kaniyang mga pangarap.

Matatandaang, nagtapos sa kolehiyo si Yasmien noong 2019 bilang magna cum laude sa kursong AB Political Science sa Arellano University.

Facebook Comments