Pope Francis, hinimok ang mga pari na bisitahin ang mga tinamaan ng coronavirus

AFP

VATICAN CITY — Nakiusap si Pope Francis sa mga pari ng Simbahang Katolika na magkaroon ng lakas ng loob na lumabas at tulungan ang mga apektado ng novel coronavirus.

Sinabi ito ng Pope sa isang misa sa Vatican noong Martes, ilang oras makaraang isailalim sa nationwide lockdown ang Italy.

“Let us pray to the Lord also for our priests, that they may have the courage to go out and visit the sick… and to accompany the medical staff and volunteers in the work they do,” aniya.


Sa ulat ng AFP, halos wala nang taong makikita sa St Peter’s Square sa Vatican noong araw ng Martes.

Nakiusap na rin ang Italian government sa publiko na huwag nang lumuwas kung maaari upang maiwasang mahawa sa may sakit.

Mananatili ang mahigpit na seguridad sa naturang bansa hanggang sa Abril 3.

Higit 9,000 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Italy na epicenter ng virus outbreak sa Europe.

Facebook Comments