Pope Francis, tumanggap na ng COVID-19 vaccine

Natanggap na ni Pope Francis at Pope Emeritus Benedict XVI ang unang dose ng COVID-19 vaccine.

Ito ay kasabay ng paglulunsad ng vaccination campaign laban sa COVID-19 sa Vatican.

Ayon kay Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office, kinukumpirma nila na nagpabakuna na ang Santo Papa laban sa COVID-19.


Para kay Pope Francis, ang pagpapabakuna ay isang ethical action dahil bukod sa pinoprotektahan ng vaccine beneficiary ang kanyang kalusugan, pinapangalagaan din nila ang kalusugan ng iba pa.

Facebook Comments