Iginiit ng OCTA Research Group na maaaring maabot ng Pilipinas ang population protection mula sa COVID-19 bago mag-Pasko.
Ito ay kung itataas ng pamahalaan sa 350,000 ang mga mababakunahan laban sa COVID-19 araw-araw.
Paliwanag ng OCTA, kapag nagawa ito ng pamahalaan, aabot sa 60 million indibidwal ang mababakunahan pagsapit ng November 15 na magreresulta sa population protection.
Sa kasalukuyan mayroong 195,400 daily inoculation sa bansa.
Naunang inihayag ng gobyerno na target nila ang population protection sa Metro Manila, Cavite, Laguna, at Rizal sa Nobyembre 27, 2021.
Facebook Comments