Pormal na pagdinig para sa ABS-CBN Franchise, wala pa ayon sa House Committee on Legislative Franchises

Nilinaw ni House Committee on Legislative Franchises Vice Chairman Tonypet Albano na wala pang pormal na pagdinig ang komite para sa prangkisa ng ABS-CBN.

Paglilinaw ni Albano, magmomosyon lamang si Palawan Representative Franz Alvarez na siyang Chairman ng Komite, na kung saan tinatanggap na nito ang position papers ng mga kongresista patungkol sa renewal ng prangkisa ng giant network.

Bukod dito wala rin sa agenda ng pagdinig ng komite ang ABS-CBN.


Sinabi ni Albano na tatalakayin pa ng mga myembro ng komite ang merito ng Mga Pro At Against sa Franchise Renewal ng ABS-CBN.

Matatagalan din aniya ang pagbusisi dito dahil pag-aaralan pa ng Komite kaya tulad ng unang nasabi ni Speaker Alan Peter Cayetano, posibleng pagkatapos pa ng State of the Nation Address o SONA sa Agosto na ito mauumpisahang dinggin ng Komite.

Facebook Comments