2 miyembro ng Abu Sayyaf, patay, 2 sundalo, sugatan sa engkwentro sa Patikul, Sulu

271

Nasawi ang 2 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos maka-engkwentro ang mga Militar sa Barangay Bakong, Patikul, Sulu kahapon.

Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lieutenent General Cirilito Sobejana, nagsasagawa ng military operations ang 15th Scout Ranger Company nang makasagupa ang mga terorista na nasa ilalim ng pamumuno ni Radulan Sahiron at Hatib Sawadjaan.


Samantala, sinabi rin ni Sobejana na may 2 sundalo na nasugatan sa engkwentro.

Agad naman na nakapadala ng fire support ang Mortar Team sa lugar ng engkwentro dahilan para tumakas ang ASG.

Sa kasalukuyan, patuloy ang clearing operations sa Barangay Bakong at pursuit operations sa mga nakatakas na terorista.

Facebook Comments