‘PORTASOL’, IPINAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA SA CAUAYAN CITY

Cauayan City, Isabela- Namahagi ng mga PORTASOL o Portable Solar Dryer-Grains Thermal Drying Grains ang grupo ni Congressman Faustino “Inno” Dy V ng ika-6 na distrito ng Isabela sa mga magsasaka na nasa Forest Region ng Cauayan City, Isabela.

Pinangunahan mismo ni Congressman Inno Dy ang pamimigay ng 75 piraso ng Portasol sa Brgy. Baculod, Cauayan City na personal namang tinanggap ng mga Punong Barangay mula sa forest region.

Ang mga naturang kagamitan ay malaking tulong sa mga magsasaka para sa pagpapatuyo ng kanilang mga aning produkto gaya ng mais at palay at iba pang mga agriculture products.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Congressman Inno Dy, isa aniya ang hanay ng mga magsasaka ang kanyang muling tututukan hindi lamang sa Lungsod ng Cauayan kundi sa buong distrito na nasasakupan nito.

Sinabi nito na mamamahagi rin ang kanyang grupo ng mga Portasol sa mga magsasaka na nasa malalayong lugar sa mga bayan ng Echague at San Guillermo.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Mayor Jaycee Dy Jr.; Vice Mayor Leoncio Bong Dalin, mga City Councilors at ng mga Punong Barangay.

Facebook Comments