COMELEC, maglulunsad ng satellite registration kaugnay ng nalalapit na Barangay at SK elections

Maglulunsad na rin ng satellite registration ang Commission on Elections (COMELEC)-Manila para sa nagpapatuloy na voter registration sa lungsod.

Ayon kay Atty. Gregorio Bonifacio, election officer ng COMELEC-Manila, nakikipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng mga mall sa Maynila para humingi ng permiso na makapagsagawa ng voter registration doon.

May ilan na aniya ang pumayag na at hinihintay na lang nila ang sagot ng iba pa.


Sa ikalawang araw ng voter registration, dinagsa pa rin ang COMELEC-Manila at sa dami ng taong nagpunta napilitan silang magpatupad ng mas maagang cut-off sa ilang distrito.

Facebook Comments