Cauayan City, Isabela- Lalong hihigpitan ngayon ng Public Order and Safety Division (POSD) ng Lungsod ng Cauayan ang implementasyon ng ‘No Helmet No Driving Policy’ lalo na ngayong papalapit na ang pasko at bagong taon.
Ayon kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinasamantala kasi anya ng mga violators ang holiday season ngunit hindi naman umano magpapatinag ang POSD.
Inihalimbawa ni ginoong Mallillin ang anim na kabataang nahuli kamakailan dahil sa kawalan ng helmet, walang lisensya at overload sa isang motorsiklo kung saan ay galing ang mga ito sa isang christmas party.
Isa rin anya na dahilan ng kanilang paghihigpit sa naturang pulisiya ay dahil sa pagtaas sa bilang ng mga violators sa batas trapiko dito sa Lungsod ng Cauayan na sanhi naman ng kadalasang pagkamatay ng mga biktima lalo na sa mga walang helmet.
kaugnay nito ay bente kwatro oras din umano ang pagbabantay ng mga POSD members sa mga lansangan at matataong lugar habang nakahanda naman ang ilang POSD responders para sa anumang kaganapan sa Lungsod.